Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pay guidelines para sa darating na holidays, na nagpapaalala sa employers na pasahurin nang tama ang kanilang mga manggagawa na papasok sa trabaho sa Nob. 1, 2 at 30, 2024.
Sa abiso ni DOLE Secretary Bienvenido Lagauesma, ang nasabing mga manggagawa na papasok sa trabaho sa Nob. 1 o All Saints’ Day at Nob. 2, All Souls’ Day na idineklarang special non-working days ay dapat bayaran:
Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang “no work, no pay” na patakaran ay dapat i-apply maliban kung may paborableng polisiya ang kompanya, practice o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa espesyal na araw;
Para sa trabahong ginawa sa espesyal na araw, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30% ng basic wages sa unang walong oras ng trabaho;
Kapag higit sa walong oras ang trabaho, babayaran ng employer ang mga empleyado ng karagdagang 30% ng hourly rate sa nasabing araw;
Para naman sa trabahong ginawa sa espesyal na araw na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, dapat bayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 50% ng kanyang basic wage sa unang walong oras.
Kapag nagtrabaho naman na lumampas sa walong oras sa panahon ng espesyal na araw na pumapatak sa pahinga o rest day ng empleyado, ang employer ay dapat magbayad sa empleyado ng karagdagang 30% ng kanyang hourly rate sa nasabing araw.
Samantala, ang sweldo ng mga manggagawa sa Bonifacio Day sa Nob. 30 na isang regular holiday ay dapat kukuwentahin ayon sa sumusunod:
Kapag ang empleyado ay hindi pumasok o nagtrabaho, siya ay babayaran ng 100% ng kanyang sahod sa nasabing araw, ang sa kondisyon na ang empleyado ay mag-uulat sa trabaho o naka-leave of absence with pay sa araw bago ang regular holiday;
Kung ang araw bago ang regular holiday ay isang araw na walang sa establisimyento o ang natakdang araw ng pahinga ng empleyado, siya ay may karapatan sa holiday pay kung ang empleyado ay pumasok sa trabaho o nasa leave of absence na may bayad sa araw bago ang araw na walang pasok o araw ng pahinga;
Para sa trabaho na ginawa sa regular holiday, ang empleyado ay dapat bayaran ng kabuuang 200% ng sweldo ng empleyado para sa nasabing araw;
Para naman sa trabaho na ginawa nang lampas sa walong oras, babayaran ang manggagawa ng kanyang employee ng karagdagang 30% ng hourly rate sa nasabing araw;
Karagdagang 30% ng basic wage ng 200% naman ang babayaran para sa mga empleyado na nagtrabaho sa panahon ng regular holiday na pumatak ng rest day nito at;
para naman sa trabaho na ginawa na lampas sa walong oras sa panahon ng regular holiday na pumatak din sa rest day ng manggagawa, ang employer ay dapat magbayad sa empleyado ng karagdagang 30% ng hourly rate ng nasabing araw.
Inilabas ng Malacanang ang opisyal na listahan ng holidays para sa 2024 noong Oktubre ng nakaraang taon.