Pinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panuntunan hinggil sa tamang pasahod sa mga manggagawa ngayon lunes, Hunyo 17 2024.

Ito ay kaugnay sa ibinabang proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 579 na sinasabing ngayong araw ay regular holiday, upang gunitain ang ‘Eid’l Adha’ o ‘Feast of Sacrifice’ at bigyan ng araw ang mga Filipino Muslim sa ating bansa na gunitain ang nasabing selebrasyon.

Ayon sa ahensya, ang mga empleyado sa pribadong sektor na papasok sa trabaho ngayong regular holiday ay dapat na makatanggap ng double pay.

Habang para naman sa mga manggagawang nag overtime, ito ay dapat na mabayaran ng kaniyang employer ng karagdagang 30% ng kaniyang orasang kita sa nasabing araw.