Idineklara na ni dating US President Donald Trump ang kanyang panalo sa US election sa kanyang pagharap sa kanyang mga tagasuporta sa Florida.

Sinabi ni Trump na binigyan sila ng America ng unprecedented at powerful mandate.

Nanalo ang Republicans ang battleground states ng Pennsylvania, North Carolina at Georgia.

Tinaya ng isang US media na Fox News na tinalo ni Trump si Vice President Kamala Harris, na nagbigay sa kanya ng ikalawang termino sa White House.

Batay sa figure ng Fox News, may nakuha na ngayong 277 electoral votes si Trump matapos ang panalo niya sa ilang key states tulad ng Pennsylvania, kumpara naman sa 226 na electoral vote ni Harris.

-- ADVERTISEMENT --

Si Trump ang magiging unang president na magsisilbi ng dalawang magkasunod na termino buhat noongn kay Grover Cleveland noong 1892, ang tanging ikalawa sa kasaysayan ng America.

Unang nahalal bilang presidente si Trump noong 2016, kung saan tinalo niya si dating Secretary of State Hillary Clinton.

Natalo siya sa kanyang re-election noong 2020 kay President Joe Biden noong panahon ng global coronavirus pandemic.

Samantala, kinansela naman ni Harris ang sana ay election night party matapos ang malaking kalamangan ni Trump.