Pinuna ni Donald Trump, ang susunod na Pangulo ng Estados Unidos, ang mga diumano’y hindi makatarungang bayarin para sa mga barkong Amerikano na dumadaan sa Panama Canal at bantaang ipaglalaban ang pagbabalik ng kontrol ng kanal sa Washington.

Ipinunto rin ni Trump ang lumalawak na impluwensya ng China sa paligid ng kanal, na nagdudulot ng alalahanin para sa mga interes ng Amerika, lalo na’t umaasa ang mga negosyo ng US sa kanal upang maghatid ng kalakal sa pagitan ng mga karagatang Atlantiko at Pasipiko.

Ang Panama Canal, na itinayo ng Estados Unidos noong 1914, ay ipinasa sa bansa ng Panama sa ilalim ng isang kasunduan noong 1977 na pinirmahan ni Pangulong Jimmy Carter.

Sinabi ni Trump na kung hindi matuitiyak ng Panama ang ligtas, mahusay, at maaasahang operasyon ng kanal, “hihilingin nito na ibalik ang Panama Canal sa kanila ng buo at walang tanong.

Wala pang agarang reaksyon ang mga awtoridad ng Panama sa pahayag ni Trump.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat hindi pa siya opisyal na manunungkulan hanggang sa susunod na buwan, pinapalakas na ni Trump ang kanyang impluwensiyang politikal sa mga huling araw ng administrasyon ni Pangulong Joe Biden.

Ipinagmalaki ng negosyanteng real estate na sa kanyang karanasan bilang negosyante, siya ay natatanging handa upang ipaglaban ang mga interes ng negosyo ng Estados Unidos.