TUGUEGARAO CITY-Hinikayat ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Micro Small Medium Entrepreneur sa rehiyon dos na sumailalim na sa Small Enterprise Technology Upgrading Program (SET-UP).

Ayon kay Regional Assistant Virginia Bilgera ng Dost-region 2, malaki umano ang naitutulong ng Set-UP lalo na sa mga negosyanteng mayroon ng tatlong taon ang kanilang negosyo.

Lalo aniya sa food processing , furniture making , metal and engineering at marami pang iba.

Aniya, tinutulungan ng kanilang ahensiya ang mga negosyante na iangat pa ang kanilang produkto para mas lalong makakatawag pansin sa mga mamimili.