Patuloy na pinapalakas ng Department of Science and Technology (DOST) Region 02 ang kanilang mga inobasyon at programa para sa ikauunlad ng rehiyon, kasabay ng selebrasyon ng regional science and teknolohiya week Dito sa lambak Cagayan
Ayon kay Dr. Laila A. Taguinod ang Assistant Regional Director for Technical Operations Services ng DOST Region 02.
mahalaga ang ganitong mga selebrasyon upang mas mapalapit ang agham at teknolohiya sa mga mamamayan, partikular na sa mga nasa malalayong lugar.
Aniya layunin nila na gawing abot-kaya at accessible sa lahat, lalo na sa mga magsasaka at maliliit na negosyo, ang mga teknolohiyang makakatulong sa kanilang kabuhayan.
Dagdag pa niya, ang mga programang ito ay hindi lamang para sa kasalukuyang panahon kundi para matiyak na matatag ang hinaharap ng mga ibat ibang industriya sa rehiyon dos.
Sa naturang selebrasyon, ay itatampok ng DOST Region 02 ang iba’t ibang proyekto at teknolohiyang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga magsasaka, maliliit na negosyante, at lokal na industriya.
Kabilang dito ang mga makabagong teknolohiya sa agrikultura, tulad ng mga bagong kagamitan para sa mas mataas na ani at mas murang produksyon at Isinusulong din ang mga inobasyon sa pagkain, kalusugan, at renewable energy na maaaring makatulong sa pag-unlad ng lokal na komunidad.
Ipinahayag din ng DOST Region 02 ang kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang mas mapabilis ang implementasyon ng mga proyektong ito.
Bahagi din sa mga plano Ng ahensya ay ang mas pinabuting access sa teknolohiya para sa mga maliliit na komunidad sa rehiyon, at ang patuloy na pagsasanay ng mga kabataan sa paggamit ng makabagong teknolohiya para sa kanilang kinabukasan.
Hinihikayat ng DOST ang publiko na makiisa at suportahan ang mga programang ito, dahil layunin ng mga inobasyon na ito na itaas ang antas ng pamumuhay at tiyakin ang sustainability ng mga lokal na industriya sa Cagayan Valley.