TUGUEGARAO CITY-Tiwala ang Department of Science and Technology (DOST)-Region 2 na sa lalong madaling panahon ay magkakaroon na ng akmang gamot na madidiskubre laban sa nakamamatay na coronavirus disease (covid-19).
Ayon kay Engr. Sancho Mabborang, Regional Director ng DOST R02, nakikipagtulungan ang mga eksperto ng DOST sa mga Doctors at mga medical practitioners ng bansa upang makahanap ng akmang lunas o gamot laban sa nasabing sakit.
Kaugnay nito, sinabi ni Mabborang na naglaan ang DOST ng pondo sa paggawa ng dekalidad na face mask maging ang mga PPEs o personal protective equipment na magagamit ng mga frontliners.
Sa ngayon, paliwanag ni Mabborang na marami pang mga proyekto ang nakahanay sa research and development program ng DOST na maaring magagamit laban COVID-19.
Dahil dito, umapela ang director sa publiko na sundin ang mga alituntunin ng gobyerno lalo na ang pag-iwas sa paglabas ng kanilang tahanan para makaiwas sa virus.