Inatasan ni Tourism Secretary Christina Frasco ang lahat ng regional offices na tanggalin ang mga larawan niya sa tourism-related materials.

Ginawa ng kalihim ang hakbang matapos kastiguhin ni Senador Raffy Tulfo sa hearing ng Senate Committee on Tourism noong Martes dahil imbes na i-promote umano ng kalihim ang mga tourist destination ay palaging nakabalandra ang kanyang mukha sa materials.

Itinanggi naman ni Frasco na tatakbo siya sa mataas na posisyon sa 2028 elections kaya palaging nakalagay ang kanyang mukha sa mga materials ng DOT.