Magiging panelists ang Department of Tourism (DOT) Region 2 sa aplikasyon ng Tuguegarao City sa Guinness World Records kaugnay sa may pinakamaraming nagsayaw na may hawak na sulo o torch ngayong 2020 Afi festival.
Ayon kay Fanibeth Domingo, chief Tourism Operations Officer, katuwang ng DOT ang Philippine Information Agency sa pagbibilang ng mga sasayaw na may hawak na torch para sa target ng siyudad na malampasan ang kasalukuyang record ng Indonesia na 3,777 katao.
Matatandaang inihayag ni Mayor Jefferson Soriano na sisikapin ng siyudad ang mahigit 4,000 mananayaw para sa naturang pagtatanghal sa buwan ng Agosto.