Minaliit ng Malacañang ang panawagan na buwagin ang buong Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga issue ng korupsyon na bumabalot sa bilyong-bilyong halaga ng mga ipinatupad na infrastructure projects.

Mas pinili ng Marcos administration ang ginagawang hakbang ni DPWH Secretary Vince Dizon na tanggalin ang mga tiwaling mga opisyal at mga kawani at i-promote ang mga tapat na mga personnel.

Sinabi ni Palace press officer Claire Castro, hindi lahat ng mga tauhan sa DPWH ay masasabing may nagawang mali, dahil may mga public servants at mga opisyal ang ipinapatupad ng tapat ang kanilang tungkulin.

Ipinunto ni Castro na hindi magiging mahirap para kay Dizon na tukuyin kung sino-sinu sa 20,000 personnel ng DPWH sa buong bansa ang dapat na tanggalin.

Tinukoy ni Castro ang sinabi ni Dizon na marami ang matatanggal sa DPWH dahil sa nasabing usapin, at ito ay nagsisilbing babala sa mga gustong pumasok sa ahensiya.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Dizon kahapon na sisimulan ng DPWH na punan ang halos 2,000 na bakanteng posisyon sa ahensiya, ang ilan ay sa pamamagitan ng promotion ng job order at contractual employees, kung saan marami sa kanila ang nagsilbi ng maraming taon sa short-term contracts.