
Inamin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na mayroong mga ghost project sa ilang distrito sa Bulacan.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, dinikdik ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Bonoan dahil tila mayroong ghost projects sa Calumpit, Malolos, at Hagonoy.
Ang kontratista ng mga “ghost” flood control projects sa Bulacan ay ang Wawao Builders — isa sa 15 kontratistang binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha ng karamihan sa mga flood control contracts ng gobyerno.
Sa Bulacan lamang, may 85 proyekto ang Wawao Builders na nagkakahalaga ng P5 billion at kabuuang P9 billion naman sa buong bansa.
Tiniyak naman ni Bonoan na mananagot ang lahat ng sangkot sa anomalya kung mapatunayang ang mga ghost flood control projects.
Samantala, pinasa-subpoena na rin ni Estrada ang may-ari ng Wawao Builders na si Mark Allan Arevalo para sa masusing imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.