Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon sa budget briefing ng kanilang ahensya na sa loob ng target nilang 1,700 classroom, 22 lang mula rito ang kanilang nakumpletong gawin ngayong taon.
Kasunod nito, hindi na naitago pa ni Senate Committee on Basic Education, Chairperson, Senador Bam Aquino ang kanyang pagkadismaya dahil sa naging pahayag ni Dizon.
Ayon kay Aquino, kung magpapatuloy ang ganitong pangyayari ay hindi malabong lumobo sa 200,000 ang classroom backlogs pagdating ng 2028 na ngayon ay nasa 146,000.
Sa kabilang banda, tiyak ni Dizon na kanilang sisilipin ang rason sa likod ng pagkakaantalang ito.
Dagdag pa ng nasabing kalihim, maghahanap sila ng paraan upang mapabilis ang pagtatayo ng mga silid-aralan.
-- ADVERTISEMENT --