TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasa likod ng pangingikil ng nagpakilalang secretary ng bagong talagang regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2.

Ayon kay Wilson Valdez, tagapagsalita ng DPWH Region 02 na dalawang contractors ng DPWH ang nagsumbong hinggil sa paggamit ng pangalan ng bagong talagang regional director na si Engr. Loreta Malaluan upang makapangikil.

Ayon kay Valdez, modus ng di pa nakilalang suspek na tawagan ang mga contractors ng DPWH upang humingi ng pera na nagkakahalaga ng P100,000 bilang solicitation.

Sa ngayon ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang DPWH-RO2 sa pulisya upang matukoy ang suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Hinihikayat din ni Valdez ang publiko na maging alerto sa mga lumalapit na indibidual na humihingi ng pera at gumagamit ng pangalan na isumbong kaagad sa mga otoridad.