TUGUEGARAO CITY-Maglalabas ng construction quarantine pass ang Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 2 para sa mga indibidwal na kasama sa isang construction project ng gobyerno na itutuloy kasabay ng pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa buong Region 02.

Ayon kay Wilson Valdez, tagapagsalita ng DPWH-Region 02, layon nitong magkaroon ng monitoring sa kanilang mga manggagawa at masiguro na nasa edad 21 hanggang 59 lamang ang makalalabas sa kanilang mga tahanan para muling magtrabaho.

Aniya, kung sakali man na galing sa ibang probinsiya ang isang construction worker, ang kanilang contractor na ang mag-aayos sa kanilang dokumento para makapunta sa proyekto.

Kaugnay nito, sinabi ni Valdez na kailangang siguraduhin ng mga contractors na may sapat na bitamina, face mask, disinfection facility at pagkain ang kanilang construction site para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga trabahador laban sa covid-19.

Nilinaw naman ni Valdez na napili lamang ang itutuloy na proyekto habang nasa ilalim pa rin ng GCQ ang rehiyon laban sa covid-19 pandemic.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Wilson Valdez