
Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na magsisimula ang paglilitis kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa Sandiganbayan sa January 20. 2026.
Sa press conference, sinabi ni Dizon na tetestigo siya sa paglilitis kay Co.
Idinagdag pa ni Dizon na tetestigo din siya sa maraming kaso sa mga susunod na linggo o mga buwan dahil siya ang complainant sa maraming kaso kaugnay sa ghost at maanomalyang flood control projects.
Matatandaan na may inilabas nang warrant of arrest laban kay Co at iba ilang opisyal ng DPWH at directors ng Sunwest Corp. kaugnay sa umano’y maanomalyang flood control programs.
Noong November 18, naghain ang Ombudsman ng kasong corruption at malversation of public funds laban kay Co at iba pang personalidad.
Ang mga kaso ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang P289 million flood control project sa Oriental Mindoro.
Mariing pinabulaanan ni Co ang mga nasabing alegasyon laban sa kanya.
Nitong nakalipas na linggo, naghain ang National Bureau of Investigation ng bagong plunder complaint laban kay Co sa Department of Justice, subalit hindi pa inilalabas ang detalye ng kaso.
Sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na sinimulan na ng ahensiya ang preliminary investigation sa nasabing reklamo laban kay Co.










