Siniguro ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na may ipinatupad itong pagbabago para sa tamang paggastos ng budget ng ahensiya.

Ipinahayag nto matapos ang ginawang inspeksyon sa ilang proyekto ng ahensiya sa Apalit, Pampanga.

Kasama na na rin dito ay tiniyak niya sa residente doon kung paano na hindi sila maapektuhan ng pag-apaw ng dike.

Dahil sa mga nakitang mga pagkukulang ay tiniyak ng Kalihim na magiging sulit ang paggastos ng ahensiya sa bawat proyekto na kanilang gagawin para sa kapakanan ng mamamayan.