Personal na binisita ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ngayong araw, October 9, 2025 ang bayan ng Alcala sa Cagayan upang surrin ang bumagsak na Piggatan Bridge.
Kasama ng kalihim sa pag-inspeksiyon sina Cagayan Governor Edgar “Egay” Aglipay, DPWH Regional Director Mathias Malenab at Alcala Mayor Cristina Antonio.
Nauna nang sinabi ni Sec. Dizon na sa kanyang pagbisita ay tatalakayin ang resulta ng assessment ng Bureau of Design mula sa DPWH Central Office upang malaman kung ang nasirang tulay ay maaayos pa o kailangang palitan ng bagong istruktura.
Inaasahan din ng kalihim na makabuo sila ng konkretong plano para sa traffic management, lalo na’t malaki ang epekto ng pagbagsak ng tulay sa daloy ng trapiko.