Kumpiyansa ang Department of Public Works and Highway (DPWH) na matatapos ang mga proyekto ng ahensiya sa imprastruktura ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, ipinagmalaki ni Engr. Danilo Tabelas ng DPWH 3rd district Engineering Office na nasa 67% sa kabuuang 108 na infrastructure project ngayong taon ang natapos na.
Kaugnay nito, sinabi ni Tabelas na on tract ang implementasyon sa mga nakalinyang proyekto kung saan karamihan sa mga maliliit na proyekto ay nakompleto o natapos na kung kayat kumpiyansa siya na matatapos ang kanilang mga target na proyekto na tapusin ngayong taon.
Karamihan aniya sa kanilang proyekto ay mga local infra projects gaya ng flood control, road widening at bridge widening.
Nabatid na 1.2 billion ang pondo na nakalaan sa kanilang proyekto na ipatutupad ngayong taon
Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa si Tabelas sa mga motorista na bahagyang naaantala dahil sa mga road rehabilitation na ipinapatupad.