
Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipagpapatuloy ang pagsusumite ng mga kaso at ebidensiya sa Office of the Ombudsman upang mapanagot ang mga sangkot sa umano’y anomalya sa mga proyektong flood control.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, layunin nilang matiyak ang pagkakakulong ng mga responsable.
Nakapagsumite na ang ahensiya ng dalawang manifestation at inaasahang maisusumite bago matapos ang Pebrero ang findings sa mga kuwestiyonableng proyekto sa Cebu.
Patuloy din ang koordinasyon ng DPWH sa Ombudsman kaugnay ng ilang nawawalang dokumento, habang ipinagpapatuloy ang imbestigasyon kasama ang iba’t ibang ahensiya kahit humaharap sa krisis ang Independent Commission for Infrastructure.
Binigyang-diin din ni Dizon ang pagpapatupad ng reporma sa loob ng DPWH, kabilang ang pagsusulong ng meritocracy at pagkuha ng mga kabataang propesyonal..










