Nagpaliwanag ang pamunuan ng Public Order and Safety Unit (POSU)- Tuguegarao kaugnay sa viral video ng kanilang patrol car na lumabag sa batas trapiko sa intersection ng Bonifacio St. Cor. College Avenue.

Depensa ni POSU Head Vince Blancad, nag-beating the red light at nag-counter flow ang driver ng patrol car na si Cezar Cagurungan ng Traffic Management Group (TMG) dahil sa dragnet operation kasama ang kapulisan laban sa trailer truck na tinakbuhan ang nabundol na biktima sa Barangay Namabbalan.

Dagdag pa niya na nag-wang-wang at naabisuhan ang nakatalagang traffic enforcer sa lugar na dahilan ng pag-mando nito sa trapiko sa pag-deretso ng emergency vehicle ng TMG kahit pula ang traffic light.

Sinabi ni Blancad na galing sa bahagi ng Capatan overflow bridge ang patrol car at papuntang diversion road upang tingnan ang deployment ng mga enforcer na una nang inalerto sa insidente ng hit-and -run na ikinamatay ng biaktima.

Humingi ng paumanhin si Blancad at iginiit na hindi sinadya ang paglabag at layon lamang nitong habulin ang sasakyan ng suspek na pinaniniwalaang dumaan sa diversion road palabas sa Barangay Buntun.

-- ADVERTISEMENT --

With reports from Bombo Romel Campos