Dredging ang nakikitang solusyon sa pag-apaw ng Abulug river upang bumilis ang pagbaba ng tubig mula sa ilog patungo sa karagatan.

Ayon kay OIC Barangay Chairman Cesar Attang ng Barangay Centro, napansin niya na mababaw na ang ilog kayat kailangan na ang paghuhukay upang hindi ito agarang umapaw tuwing may pag-ulan.

Iminungkahi rin ni Attang ang pagsasagawa ng widening sa bukana ng ilog na kumokonekta sa dagat upang maayos ang pagdaloy ng tubig.

Samantala, nilinaw ni Attang na hindi sila nagkulang sa pagpapa-alala sa mga residente sa pagbabawal na pumunta sa ilog tuwing may pagbaha o masama ang lagay ng panahon.

Kaugnay ito sa pagtaob ng bangka ng mag-asawang nanguha ng kahoy bilang panggatong kung saan himalang nakaligtas si Judith Berbano na dalawang araw na nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Camiguin island.

-- ADVERTISEMENT --