Tugeugarao City- Patay ang isang driver matapos mahulog ang minamaneho nitong 6 wheeler truck sa

bangin sa bahagi ng Balbalan, Kalinga.

Ayon kay PCOL. Davy Vicente Limmong, director ng Kalinga PNP, nahulog ang minamanehong truck ni

Constancio Teek sa bangin na may lalim na 150 meters habang nag-aunload ng lupang tinanggal sa

-- ADVERTISEMENT --

kanilang construction site.

Sa imbestigasyon ay maaaring hindi nakontrol ng biktima ang pag-unload ng lupa sa kabilang bahagi ng

kalsada kaya’t ito ay diretsong nahulog sa bangin.

Hindi rin aniya napansin agad ng mga kasamahan nito ang insidente dahil sa lalim ng bangin kung saan

nahulog ang truck at nalaman na lamang ito ng ipagbigay alam ng mga residenteng nakakita habang

naglalakad.

Nabatid na ang naganap ang insidente nitong Hulyo 7 ng hapon at nakita ito umaga na ng Hulyo 8.