Naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng abiso para magpaliwanag kay Undersecretary for Special Concerns Ricky Alfonso, habang naghain ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order laban sa kanyang driver kasunod ng alitan sa trapiko sa Quezon City noong Oct. 8.

Inatasan ang driver sports utility vehicle ni Alfonso, na gumamit ng blinkers “10” protocol plate, na magpakita sa LTO sa Oct. 17 para ipaliwanag ang insidente.

Kinumpirma ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na sinuspindi ng 90 days ang driver’s licence ng driver at tinanggal na rin siya sa trabaho.

Ang “10” protocol plate ay para lamang sa mga justices ng Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeal, at Solicitor General sa ilalim ng LTO regulations.

Habang awtorisado si Alfonso na gamitin ang nasabing plaka bilang DOTr undersecretary, natuklasan na hindi nairehistro ang sasakyan para sa nasabing paggamit.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa lumabas na video online, makikita na sinasampal ng driver ni Alfonso ang driver ng utility vehicle habang nagkakaroon sila ng komprontasyon.

Sinabi ni acting DOTr Secretary Giovanni Lopez na humingi ng paumanhin si Alfonso sa isang driver, subalit iginiit ng LTO na hindi tinatanggap ang mga paumanhin o private settlements sa mga lumalabag sa batas trapiko para sa kanilang pananagutan habang isinagawa ang imbestigasyon sa insidente.