
Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na “person of interest” ang driver ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral kasunod ng kanyang pagkamatay kagabi.
Sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Randulf Tuaño na labag sa human nature na iiwan ng driver ang isang principal o VIP sa liblib na lugar.
Nilinaw ni Tuaño na hindi ikinokonsidera na suspek ang isang person of interest.
Ayon sa driver, binabagtas nila ni Cabral ang Kennon Road papuntang La Union ng 3 p.m. noong Huwebes nang sinabihan siya ni Cabral na tumigil sa Kennon Road at iwan siya sa doon.
Pumunta ang driver sa malapit na gasolinahan.
Nang bumalik na siya sa lugar ng 5 p.m., hindi na niya nakita si Cabral.
Dahil dito, bumalik siya sa hotel kung saan nag-check-in si Cabral, subalit wala din siya doon.
Sinabi niya na idinulog na niya ang insidente sa pulisya ng 7 p.m., at 8 p.m., nakita ang katawan ni Cabral sa gilid ng Bued River, nasa 20 metro sa baba ng highway.










