Nakahanda si incoming Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na iakyat hanggang sa Supreme Court (SC) ang hatol sa mga drug case na isinampa laban sa kanya.

Kaugnay ito sa desisyon ng Court of Appeals (CA) na ibalik sa Muntinlupa Regional Trial Court ang naging hatol sa kanyang mga kaso.

Gayunpaman, naniniwala umano si De Lima na malinaw na nakasaad sa rekord ng kanyang mga kaso ang mga katanungan ng CA.

Pero, kung kinakailangan aniya, nakahanda siyang umakyat hanggang sa SC para malinawan ang lahat.

Tiniyak din ni De Lima na hindi nito na maapektuhan ang kanyang pag-upo sa Kongreso bilang kinatawan ng ML party-list.

-- ADVERTISEMENT --