Umabot na sa 15 ang bilang ng mga drug-cleared barangay sa bayan ng Enrile, Cagayan.
Sinabi ni PLt. Precil Morales, deputy chief of police ng Enrile-PNP na ang nalalabing pitong barangay na drug affected pa sa kasalukuyan ay natapos na rin ang kanilang mga documentary requirements para sa deliberasyon ng Regional Oversight Committee.
Maituturing namang drug-cleared ang isang barangay kung ito ay mayroong functional na Barangay Anti-Illegal Drug Abuse Council, non-availability ng suplay ng droga, may drug awareness campaign, at may voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desk.
Inihahanda na rin ng pulisya ang pagbubukas ng Balay Silangan na matatagpuan sa dating Rural Health Unit.
Magsisilbi itong pansamantalang tirahan ng mga nasangkot sa paggamit ng iligal na droga para sa kanilang pagbabagong buhay.
Sinabi ni Morales na oras na mabuksan ang pasilidad, siyam na drug surrenderee kada batch ang isasailalim dito.
Bukod sa droga, sinabi ni Morales na tinututukan din ng Enrile PNP ang isyu ng kriminalidad kung saan bumaba ang naitatalang krimen sa lugar bunsod ng pandemya.