Nakatakdang magsagawa ng dry run ang swabbing team ng City Health Office ng Tuguegarao bilang paghahanda sa pagsasagawa ng Bar Exam sa lungsod ng Tuguegarao sa Pebrero 4 at 6 ngayong taon.

Sinabi ni Dr. James Guzman, City Health Officer, na 50 personnel ang nakatakdang i-deploy ng kanilang tanggapan sa Cayagan State University- Carig Campus kung saan gaganapin ang pagsusulit.

Siniguro nito na hihigpitan ng CHO at ng City Government ang pagpapatupad ng mga health and safety protocols upang matiyak na hindi magiging super spreader ang gaganaping Bar Exam sa lungsod.

Nabatid mula sa kanya na batay sa ulat ng mga Supreme Court Personnel ay 50 mula sa 350 examinees ang nagpahayag na sa ibang laborotoryo sila magpapa-antigen test.

ipinaliwanag din ni Guzman na batay sa inilabas na guidelines ng supreme court ay hindi na magtutuloy sa exam ang mga magpopositibo sa antigen test ngunit ang mga kukuha ng exam sa lungsod ay isasailalim pa rin sa confirmatory test sa pamamagitan ng RT-PCR swab upang ito ay makumpirma.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin aniya ng dry run na maihanda ang lahat ng mga personnel na mangangasiwa sa examinasyon at mailatag ang lahat ng panuntunang dapat na masunod para sa kaayusan ng pagsusulit.

Ang lahat ng mga sasailalim sa bar exam ay nakatakda namang isailalim sa antigen test sa Pebrero 3 bago ang kanilang exam.