Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 ng humanitarian assistance sa mga apektado ng bagyong Nika.

Sinabi ni Lucia Alan, director ng nasabing tanggapan na umaabot sa 6,070 families o binubuo ng 19,826 families ang lumikas sa mga ligtas na lugar sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino sa pananalasa ng bagyong Nika.

Ayon sa kanya, ang mga evacuees ay mula sa 381 barangays.

Idinagdag pa ni Alan na may naitala na ring 15 na nasirang bahay sa Isabela at walo sa Nueva Vizcaya kung saan may isa ang tottaly damaged.

Ayon kay Alan, patuloy ang kanilang pag-iikot sa mga lugar na higit na naapektohan ng pananalasa ng bagyong Nika.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, tuloy-tuloy din ang power restoration sa mga bayan na hanggang ngayon ay wala pang suplay ng kuryente sa Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong Marce.

Ayon kay Engr. Rudolph Adviento, general manager ng Cagayan Electrical Cooperative 2 na pitong kooperatiba ang tumutulong ngayon sa pagkukumpuni sa mga nasirang mga poste at kawad ng kuryente.

Sinabi niya na 11 munisipalidad na ang nagkaroon ng ilaw subalit, hindi pa sa lahat ng mga barangay, habang siyam pa ang walang kuryente kabilang ang apat na bayan sa Apayao, ang Flora, Pudtol, Luna at Santa Marcela.

Ayon kay Adviento, target nilang maibalik ang power supply sa lahat ng munisipalidad sa Nov. 15 habang sa Nov. 22 naman sa lahat ng barangay.

Kasabay nito, sinabi ni Adviento na umaabot na sa P10 million ang initial damages sa nasasakupan ng kooperatiba.