Wala umanong napag-usapang tatanggalin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ang nilinaw ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian kaugnay sa naging pagpupulong nila ni Senator Erwin Tulfo sa DSWD central office kamakailan.

Nauna rito, iminungkahi ni Senator Tulfo ang pagtanggal sa 4Ps at pinapapalitan ito ng isang bagsakang pagkakaloob ng kapital sa mga mahihirap na Pilipino.

Giit ni Gatchalian, enhancement o pagpapaganda sa programa ang kanilang napag-usapan at hindi ang pagtanggal.

Ayon pa sa kalihim, bukas siya sa reporma sa 4Ps gaya ng rekomendasyon ng senador na pagbibigay ng aftercare program o pag-kakaloob ng ng kapital para masigurong ang mga gumraduate na mula sa programa ay hindi babalik sa kahirapan.

-- ADVERTISEMENT --