Nakatanggap ang 568 beneficiaries sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng financial assistance sa Barangay San Carlos,Santa Marcela, Apayao.

Pinangunahan ni Apayao Representative Cong. Eleonor Bulut-Begtang kasama si Department of Social Welfare and Development – Cordillera (DSWD-CAR) Regional Director Maria Catbagan-Aplaten ang nasabing aktibidad.

Kabuuang P1.7 million ang ibinigay sa mahihirap, manimumwage earners, at maging ang mga nabibilang sa informal economy.

Layunin ng nasabing financial aid na matulungan ang mga ito na maibsan ang epekto ng patuloy na pataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kabilang sa mga benepisyaryo ay barangay captains, Kagawads, Tanods, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Child Development Workers (CDWs), Lupon Tagapamayapa, members of the Santa Marcela Tricycle Operators and Drivers’ Association (SMTODA), Sangguniang Kabataan (SK) Chairpersons, and 117 senior citizens kung saan nakatanggap ang mga ito ng tig-P3, 000.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinunto ni Cong. Begtang na ang AKAP program ay para tugunan ang pangangailangan ng mga barangay officials at iba pang sektor na hindi napabilang sa mga programa ng