Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Cordillera ng isang pag aaral tungkol sa mga batas sa social protection sa tabuk city kalinga.

Layunin ng aktibidad na tukuyin ang mga polisiya o kaugnay na batas laban sa anumang uri ng karahasan at kilalanin ang mga isyu at suliranin sa paghawak ng gender-based violence kaugnay sa mga pangkulturang praktis.

Ayon kay Mary Ann Buclao, Social Welfare Officer mula sa Protective Services Division ng DSWD-CAR, tinalakay Rin ang mga tungkulin ng mga lider ng komunidad sa iba’t ibang isyu sa lipunan, lalo na ang mga usapin na may kinalaman sa mga vulnerable sectors tulad ng kababaihan, kabataan, mga may kapansanan, mga katutubo, at iba pa.

Aniya ipinaliwanag at nilinaw din ang kanilang mga tungkulin sa pag-aalis o pagpigil sa karahasan gayundin ang kanilang mga limitasyon sa paghawak ng mga kaso sa komunidad.

Batay Datos Ng dswd Cordillera, ang nangungunang tatlong kaso ng gender-based violence mula 2019–2023 ay kinabibilangan ng domestic violence (67%), child abuse (18%), at rape (10%) kng saan 82% ng mga kaso ay naganap sa tahanan at 10% naman sa iba pang lugar tulad ng bahay ng kapitbahay, paaralan, simbahan, lugar ng trabaho, evacuation center, barangay hall, bahay ng kamag-anak, boarding house, sasakyan, at iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Ibinahagi Rin Ng dswd car na 96% ng mga biktima ay kababaihan, at 28% ay mga menor de edad na wala pang 18 taong gulang kng saan Ang pinakabatang biktima ng sexual abuse sa rehiyon car ay 1 taon at 7 buwang gulang pa lamang.

Kabilang din sa mga tinalakay ang mga pangunahing tampok ng mga batas sa social protection tulad ng Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353), Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act of 1992 (RA 7610), at Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262).