Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 ng Commitment Setting at Turnover Ceremony para sa Project LAWA sa Nueva Vizcaya.
Layunin nitong mabigyan ng oportunidad ang mga partner-beneficiaries na maging bahagi ng pangmatagalang pagpapanatili at pagpapalawig ng mga proyekto sa kanilang mga komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng DSWD F02 , katuwang ang lokal na pamahalaan ng Diadi, Nueva Vizcaya.
Tampok sa aktibidad ang simbolikong pagbibigay ng timba na naglalaman ng mga fingerlings, at isang basket na may iba’t ibang vegetable seedlings mula sa Department of Agriculture (DA).
Ito ay hakbang upang palakasin ang sektor ng agrikultura sa lugar, na may layuning makatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga partner-beneficiaries.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni MENRO Representative Manuel E. Escobar ang pasasalamat sa DSWD para sa proyekto.
Samantala, tiniyak ng Municipal Agriculture Office na sila ay magbibigay ng karagdagang seedlings at fingerlings bilang suporta sa nasabing proyekto.