Namahagi ng livelihood grants ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) field office 2 sa 3 asosasyon sa Bambang Nueva Vizcaya.
Ito ay sa pamamagitan ng Sustainable livelihood program ng ahensya na may kabuuang halaga ng 575,000 bilang kanilang capital fund.
Ang naturang programa na naka laan para sa mini grocery, agricultural supply at bread and pastry products ay pakikinabangan ng nasa 32 na miyembro ng mga asosasyon na mula sa pallas, indiana, at mabuslo.
Samantala present sa nasabing pamamahagi si OIC promotive service division chief pasencia ancheta ng slp provincial Program management office at iba pang representative mula sa lgu bambang.