TUGUEGARAO CITY – Humiling ng karagdagang pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) RO2 para matustusan ang pamamahagi ng ahensiya ng Emergency Shelter Assistance (ESA) sa mga partially damaged houses noong bagyong Ompong.
Paliwanag ni Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD RO2 na dahil sobra ang ibinabang pondo para sa mahigit 15,000 benepisaryo sa totally damaged houses kung kaya nabayaran ng ahensiya ang 1st batch ng mga partially damaged houses mula sa mga munispiyo na unang nagsumite ng kanilang datos.
Sinabi ni Trinidad na sa kabuuang bilang na 11,727 benepisaryo sa partially damaged houses ay taanging 534 na lamang ang hindi pa nababayaran ng ahensiya kung saan 96.72% na ang natapos sa pamamahagi ng ayuda.
Gayonman, inaantay pa ng ahensiya ang ibababang pondo mula sa central office para sa mga hindi pa nabibigyan ng ayuda para sa partially damaged houses.
Tiniyak naman ni Trinidad na oras na may maibabang pondo mula central office ay agad na maihatid ang ayuda sa mga biktima ng kalamidad dahil sa ibinigay na exemption ng COMELEC para sa mga programa at serbisyo ng DSWD.
Payo ni Trinidad sa mga benepisaryo na mag-antay para sa ibibigay na ayuda at ipunin lamang ang mga resibo na magpapatunay na naipaayos na ang bahay na sinira ng bagyo.