Isasailalim sa stress de-briefing o psycho-social intervention ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga indibidwal na natrauma sa pagbaha sa hilagang Cagayan.
Ayon kay Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD-RO2 na hindi maiiwasan na makaranas ang mga residente ng trauma dahil sa pagka-anod at pagkasira ng ilang mga bahay at kanilang kabuhayan bunsod ng pagbaha.
Marami rin aniya sa mga residente ang natrauma dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaranas ang mga ito ng pagbaha bunsod ng pag-apaw ng mga ilog na dulot ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng cold front.
Nauna na ring namahagi ng emergency relief supply ang DSWD sa mga residente na inilikas sa malawakang pagbaha.