Naka-activate na ang quick response teams (QRT) ng mga Field Offices Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang paghahanda sa Tropical Depression (TD) Ramil.

Kasabay nito, tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na mayroong sapat na relief supplies ang ahensiya na naka-preposition na sa mga strategic areas na puwede agad ibiyahe sa mga maaapektuhan ng weather disturbance.

Inatasan na rin niya ang mga field offices ng DSWD na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para matiyak sa mga alkalde na handa ang mga family food packs (FFPs) at iba pang emergency relief items ng DSWD para sa mga maaapektuhan ng Bagyong Ramil.

Sinabi naman ni DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Dumlao, na nakahanda na rin sila at tiniyak ang agarang deployment ng mga food and non-food item (FNFIs) kapag kinakailangan.

Dagdag ng DSWD spokesperson, sapat ang kanilang mga ipinosisyon na FFPs sa kanilang mga bodega na gagamitin kapag may tumamang kalamidad sa bansa.

-- ADVERTISEMENT --