Pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang disaster supply chain sa ilalim ng Bagong Bansa Handa (BBH) Program bilang pagtugon sa Bagyong Tino.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, gumagamit na sila ngayon ng dual supply chain system.

Ibinahagi rin nito na ang unang sistema ay ang pagpapalakas ng produksyon at stockpiling ng mga family food packs, at ang pangalawang mekanismo naman ay ang pakikipag-partner sa private distributors.

Sa pamamagitan umano ng sistema sa paghahanda ng mga tulong ng Luzon at Visayas Disaster Resource Centers, makakayang makapag-produce ng DSWD ng hanggang 20,000 na mga family food packs kada araw.

Dahil dito, matitiyak raw na ang tanggapan ay mararamdaman sa anumang lugar, at anumang oras.

-- ADVERTISEMENT --

Upang mapalakas pa ang disaster response, handa na rin ang DSWD na magpakalat ng kagamitan gaya ng mga mobile command centers, mobile kitchen, water trucks, at water treatment units.