Umabot na sa P5.5 million ang halaga ng mga naipaabot na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Kanlaon.

Ito ay binubuo ng mga family food packs, non-food items, cash, at iba pa.

Tinatayang humigit kumulang 8,000 na pamilya naman ang kabuuang naapektuhan ng naturang pagyanig. Ito ay binubuo ng mahigit 29,000 na indibidwal kung saan marami sa kanila ang nakituloy sa ibang kaanak, habang ang iba ay dinala sa mga evacuation center.

Samantala, bumaba na rin ang bilang ng mga evacuees na pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.

Hanggang nitong umaga, June 10, umaabot na lamang sa 1,260 pamilya o katumbas ng 4,319 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center kasunod ng nauna na ring pagbabalik ng iba pang evacuees, sa kanilang sariling tahanan.

-- ADVERTISEMENT --