Matagumpay na nailipat sa itinalagang temporary shelter ng DSWD ang ilang pamilyang naninirahan sa bangketa sa Quezon City bilang bahagi ng kanilang “Oplan Pag-Abot Program.”

Kabuuang 13 pamilya o 29 katao ang nailigtas, kabilang ang 9 na indibidwal.

Bukod sa masisilungan, binigyan din sila ng agarang tulong at mga pangunahing pangangailangan.

Nakapaloob din sa programa ang pagbibigay ng kabuhayan upang hindi na sila muling bumalik sa lansangan.

Tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang ganitong hakbang para sa kapakanan ng mga mahihirap at walang tirahan.

-- ADVERTISEMENT --