
Nagkaloob ng ₱10,000 na ayuda ang Department of Social Welfare and Development Region 2 sa pamilya ng dating beauty queen na si Lullete Jane “Jing” Ramilo Dela Cruz na nasawi sa pamamaril sa San Manuel, Isabela.
Personal na iniabot ang tulong noong Pebrero 18, 2026 bilang bahagi ng crisis intervention assistance ng ahensya.
Tiniyak ng DSWD ang suporta sa naiwang pamilya ng dating beauty queen.
Si Lullette ay sumali sa Miss Philippines Earth 2013 kung saan siya ang hinirang na isa sa limang runners-up.
Nasa loob ng sasakyan si Lullete at noo’y kararating lang sa kanyang tahanan sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela, nang binaril at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin noong gabi ng February 13, 2026.
Nakaligtas naman ang tatlo niyang anak sa krimen.
Samantala, umabot na sa P150,000 ang reward money para sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek sa krimen.
Ito ay mula sa local government ng San Manuel (PHP50,000), office of Isabela Fifth District Rep. Faustino Michael Dy (PHP50,000), at Board Member Manuel Faustino “King” Dy (PHP50,000).
Samantala, sa isang Facebook post, nangako ang partner ni Lullette na si Clifford dela Cruz na hindi siya titigil hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa beauty queen.








