TUGUEGARAO CITY-Muling nagpadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 2 ng kanilang mga tauhan para tutulong sa mga evacuees na unang naapektuhan nang pag-alburuto ng bulkang Taal.

Ayon kay Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD-region 2 , papalitan ng mga pangalawang batch ang mga naunang naipadala nitong nakalipas na linggo.

Aniya, layon nitong maging tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong sa mga evacuees dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa mabatid kung kailan maaring makabalik sa kanilang mga tahanan ang mga unang lumikas sa mga evacuation centers.

Magtatagal ang pangalawang team ng isang linggo sa lugar at muling magpapadala ang DSWD-Region 2 ng kanilang mga tauhan sa lugar hanggat kailangan ang kanilang tulong.

Samantala,isa umanong matanda ang nasa isang evacuation center sa Calaca, Batangas ang narescue sa bayan ng Agoncillo na isa sa mga naapektuhan ng ashfall ang hinahanap ang kanyang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Trinidad na batay sa kanilang ginawang psychosocial intervention kay lola Arsenia, hindi na nito maalala ang kanyang basic information dahil sa trauma.

Aniya, naiwang mag-isa ang matanda sa loob ng kanilang bahay ng makita ng mga rescue team ang matanda.

Kaugnay nito, nanawagan ang lola na kung maaari ay tulungan siya na makita ang kanyang pamilya.