Aabot sa P90,000 ang ipinagkaloob na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) R02 sa pamilya ng dalawang rebeldeng new peoples army o npa na nasawi sa nangyaring engkwentro ng tropa ng pamahalaan at makakaliwang grupo sa Sitio Pallay, Baliuag sa bayan ng Peñablanca.

Ayon kay Lucia Alan Director ng DSWD Region 2, nasa P50,000 ang ipinagkaloob na burial assitance at P20,00 sa tranportasyon at iba pang mga pangangailangan sa pamilya ng nasawing NPA na tubong Maynila na si Danielle Marie Pelagio o Alyas Nieves, Isla at Sid.

Habang nakapagbigay rin ang nasabing ahensiya ng P20,000 sa isa pang npa na residente ng bayan ng rizal, Cagayan na kinilalang si Erin Sagsagat na may mga Alyas na Joryl at Bimbol para sa iba pang gastusin at para sa burial assistance naman nito ay nagbigay ang rovincial Government ng Cagayan.

Ang nasabing mga tulong ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng ahensiya.

Sinabi ni RD Alan na hinihintay pa ng dswd ang report mula sa local government unit ng penablanca upang malaman kung ano pa ang pangangailangan sa nasabing barangay o kung may naapektuhan bang pamilya na kailangan na isailalim sa stress debriefing matapos ang naganap na labanan nitong setyembre a-onse.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, naihatid na sa kanyang pamilya ang labi ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na namatay sa sagupaan ng militar at makakaliwang grupo sa bayan ng Peñablanca noong Setyembre 11, 2024.

Sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) ay naiuwi sa kanilang tahanan sa kalakhang Maynila ang bangkay ni Alyas Isla kahapon ng umaga Dumating sa probinsiya ng Cagayan ang kapatid ni Alyas Isla na siyang mismong sumundo sa labi.

Naunang naiuwi ang mga labi ng npa na tubong rizal, Cagayan na namatay din sa nasabi sagupaan habang nakikipag-ugnayan pa rin ang mga otoridad sa pamilya ng lider ng npa na si arbitrario na tubong davao para mauwi na rin ito.