Tiniyak ng DSWD Region 2 ang kahandaan at kasapatan ng resources nito sa pagtugon sa posibleng maaapektuhan ng Bagyong Aghon sa Region 2.
Base sa datos, umaabot sa halos P140M ang halaga ng food and non-food items na naipwesto sa kanilang mga bodega sa limang lalawigan at maging ang mga naka-preposition sa mga LGU.
Nasa 66,734 na family food packs ang handang maipamahagi at maidagdag sa suplay ng mga LGU, habang nasa 14,591 naman ang non-food items, gaya na lamang ng family kits, sleeping kits, hygiene kits, kitchen kits at iba pang kakailanganin ng mga posibleng maaapektuhang pamilya.
May naihanda namang mahigit P4.3M na standby fund para sa emergency purchases.
Una na ring nakibahagi sa pagpupulong sa kanilang central office ang field office 2 kung saan pinatiyak ang kahandaan ng resources at mga istratehiya ng ahensiya para sa disaster response operations.