Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 ng family food packs sa mga pamilyang naapektohan ng pagbaha dahil sa mga pag-ulan bunsod ng bagyong Carina sa Cagayan.
Sinabi ni Mylene Attaban, OIC ng Disaster Relief Management Division na umabot sa mahigit P69, 000 ang halaga ng naipamahagi nilang family food packs sa 174 families na binubuo ng 651 individuals sa mga bayan ng Gonzaga, Peñablanca, Santa Ana at Santa Praxedes.
Ayon sa kanya, isinailalim sa preeptive evacuation ang mga nasabing pamilya dahil sa pagtaas ng tubig-baha sa kanilang mga lugar.
Idinagdag pa ni Attaban na patuloy ang kanilang monitoring sa mga apektadong mga lugar para sa karagdagang tulong kung kinakailangan.
Sinabi niya na nananatili pa sa evacuation centers ang mga apektadong pamilya sa Gonzaga, habang nakauwi na ang nasa lumikas sa evacuation centers sa mga bayan ng Peñablanca, Santa Ana at Santa Praxedes.