Tuloy-tuloy ang supplementantary feeding program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2.
Sinabi ni Edwardson Tad-o, focal person ng nasabing programa na muling isasagawa ang feeding program sa pasukan ng mga bata sa Child Development Center o ang dating day care center sa Agosto.
Ayon sa kanya, ang programa ay bilang pagpapatupad ng ahensiya sa Republic Act 11307 o ang Masustansiyang Pagkain para sa mga Batang Pilipino Act.
Sinabi niya na ito ay karagdagang pagkain sa mga bata na edad dalawang hanggang lima bukod pa sa kanilang regular na pagkain upang matiyak na maayos ang kanilang kalusugan.
Ayon sa kanya, ito na ang 14th cycle ng programa na sinimulan noong 2011.
Subalit, sinabi niya na matatapos ang programa ngayong taon sa Disyembre sa halip na loob ng isang school year.
Ayon sa kanya, P162m ang pondo para sa nasabing programa ngayong taon.
Sinabi niya na ang kanilang target ngayong taon na benefiaries ay 90, 000.