Handa na ang relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cagayan Valley na ipamamahagi sa mga pamilyang maaring maapektuhan ng Bagyong Enteng.
Ayon kay DSWD Regional Director Lucia Allan, mahigit 122K family food packs ang inilaan kung saan kalahati nito ay nasa bawat LGUs na ng rehiyon habang ang kalahati ay nasa mga warehouses ng ahensiya sa Santiago, Isabela; at Tuguegarao, Abulug, Camalaniugan sa Cagayan.
Maliban dito, may kabuuang P3M rin silang emergency standby funds.
Kaugnay nito ay nakahanda ang ahensiya na magbibigay ng disaster relief o humanitarian services sa maaapektuhang pam,ilya kung kinakailangan.
Batay sa monitoring, nasa 2 pamilya na binubuo ng limang indibidwal ang patulpoy na tinuntulungan ng ahensya na inilikas sa Cabarougis Quirino dahil sa banta ng pagbaha.