
Naglatag ng mga paalala at guidelines ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pag-arangkada ng pamamahagi ng P5,000 subsidy para sa mga tricycle drivers sa Metro Manila.
Sa pulong balitaan, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na aarangkada ang pamamahagi ng cash assistance simula alas-sais ng umaga.
Kinakailangan lang umanong magdala ng mga drivers’ license ng mga qualified beneficaries.
Tinukoy na rin ang 30 payout centers sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan.
Kumpyansa naman si Gatchalian na matatapos ang pamamahagi sa loob ng susunod na tatlong araw.
Nasa P700-M ang pondong inilaan para sa humigit-kumulang 139,000 trike drivers sa buong National Capital Region (NCR).
Nagpaalala naman si Gatchalian sa mga trike drivers na hindi kailangang magsabay-sabay sa pagpila para naman hindi maapektuhan ang mga komyuter.










