Iginiit ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na DSWD lang ang tanging tagapagpatupad ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Sinabi ni Gatchalian na ang buong P26 billion na pondo para sa nasabing programa ay ang DSWD lang ang magpapatupad, at hindi ang mga pulitiko at public servants.

Ayon sa kanya, ito ay pondo ng DWSD at lahat ay dadaan sa masusing pag-aaral.

Nitong nakaraang Miyerkules (December 11) ay inaprubahan ng bicameral conference committee ang 2025 national budget kung saan kasama rito ang restoration ng P26 bilyong AKAP allocation.

Kasabay nito, nilinaw ni Secretary Gatchalian na ang potential beneficiaries ng AKAP ay masusing dumaraan sa assessment ng social workers ng ahensya, bago makatanggap ang beneficiaries ng tulong pinansyal.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa Kalihim, ang AKAP ay iba sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) pagdating sa beneficiaries at objectives ng programa.

Ang AKAP ay nagbibigay ng one-time cash assistance sa eligible beneficiaries na nabibilang sa low wage earners.