Tinawag ni Senator Aimee Marcos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na “super endo violator” dahil sa pagkakaroon ng pinakamaraming bilang ng contractual employees sa gobyerno.
Sinabi ito ni Sen.Marcos sa Senate finance subcommittee hearing sa proposed 2025 budget para sa DSWD.
Sumang-ayon naman si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa naging obserbasyon ng Senadora.
Nagpaliwanag naman si Budget Assistant Secretary Leonido Pulido III sa pahayag ni Sen. Marcos, kung saan sinabi niya na may patuloy na accounting effort sa DSWD para masimulan ang regularization ng nasa 4,000 hanggang 5,000 na contractual positions.
Sinabi naman ni Gatchalian na kabuuang 6,135 employees ang contractual sa ahensiya buhat nang maupo siya sa puwesto.
Tanging “yes” ang sagot pa ni Pulido sa tanong ni Sen. Marcos na hindi pa permanente ang mga nasabing empleyado.
Kasabay nito, nilinaw ni Pulido na sa tulong ng DSWD, isusulong nila ang regularization ng mga kawani bago matapos ang taon.
Kumpiyansa umano siya na kaya nilang habulin ang regularization ng 4,000 hanggang 5,000 na empleyado ng DSWD.