Tiniyak ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno para sa mga graduating beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ito ay ipinaabot ni Gatchalian sa “Trabaho sa Bagong Pilipinas” job fair na isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan 94 na employer ang lumahok, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) na nag-anyaya ng higit 12,000 mga graduating 4Ps members.
Ayon kay Gatchalian, ang mga oportunidad sa job fair ay magsisiguro na hindi babalik sa kahirapan ang mga benepisyaryo ng 4Ps.
Dagdag pa nito na inutusan umano sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin na ang mga pangangailangan ng mga graduates o benepisyaryo na aalis na sa programa ay patuloy pa rin matutugunan.
Aniya kasama na rito ang makahanap ng trabaho para matiyak na hindi sila babalik sa kahirapan.